Real Life Dirty Linen?

Usap-usapan ngayon ang kakaibang storyline ng class struggle at magaling na pagganap ng mga cast sa Dirty Linen. Ang tv series na ito ay umiikot sa kwento ng paghihiganti ng mga houseworkers laban sa kanilang pinagsisilbihang mayamang pamilya.

Kung akala nyo ay sa tv lang makakakita ng ganitong kaso ay nagkakamali kayo dahil dalawang magkapatid na maids ang walang awang pinaslang ang ina at anak ng mayamang angkan ng  Lancelin dahil sa paghihiganti. 

Ito ang kwento ng buhay at krimen ng magkapatid na sina Christine at Lea Papin.

Bago pa man mapunta sa pamilya ng Lancelin ang isa sa magkapatid na si Christine, ay naging katulong na rin sya sa ibang pamilya. Madalas ay kasama nya sa trabaho ang kanyang kapatid na si Lea. Si Christine ay matalino, masarap magluto at masipag habang si Lea naman ay tahimik at laging sumusunod sa utos ng kanyang nakakatandang kapatid na si Christine. 

Napakasimple ng kanilang buhay ngunit masalimot ang kanilang pinagmulan. Ang kanilang ama ay lasinggero at hiwalay sa kanilang ina na hindi sila kayang alagaan. Pagkapanganak pa lamang kay Christine ay pinaalaga na sya sa kapatid ng kanyang ama. Habang si Lea naman ay pinaalaga sa kapatid ng kanyang ina. 

Lumipas ang panahon ay nilipat sila ng kanilang ina sa bahay ampunan hanggang sa sila ay may kakayanan ng magtrabaho. Pinag-aral sila ng mga gawaing bahay upang balang araw ay mamasukan bilang mga katulong.

Taong 1926 nang mapunta sila sa Lancelin Family. Ang Lancelin family ay isa sa mga mayayaman at respetadong pamilya sa Le Mans, France. Malaki man ang kanilang mansyon ay tatlo lamang sila na nakatira doon. Sila ay ang ama ng pamilya na si Monsieur Rene Lancelin, ang asawa nito na si Madame Leonie at ang kanilang bunsong anak na si Genevieve. Naghahanap sila ng stay-in na kasambahay na magsisilbi sa kanila. Sa kanilang paghahanap ay na-hire nila bilang katulong si Christine. Lumipas ang ilang buwan at naging maayos naman ang paninilbihan ni Christine sa kanila. Kaya naman kinumbinsi nya ang kanyang Madame upang i-hire din ang kanyang kapatid na si Lea. Pumayag si Madame Leonie at nanilbihan na rin bilang chambermaid si Lea sa mga Lancelin.

Makalipas ang ilang taon ng payapa at tahimik na paninilbihan ay nagkaroon ng depression si Madame Leonie. Dito na nagsimula ang kawawang kalagayan ng magkapatid. Sila ang laging napagbubuntunan ng galit ng kanilang Madame. Sinasaktan at inaabuso ang magkapatid. Dumating pa sa punto na hinahampas ang kanilang ulo sa dingding. 

Real Life Dirty Linen?Isang gabi noong 1933, ay nakatakdang magkita sina Monsieur Rene at Madame Leonie kasama ang kanilang anak na si Genevieve sa isang okasyon ng kanilang kaibigan. Mula sa pagsshopping ng mag-ina ay umuwi muna sila ng bahay bago pumunta sa okasyon.

Pag uwi nila ay walang ilaw sa bahay. Ipinaliwanag ng magkapatid sa kanilang Madame na nagkaproblema sa kuryente dahil sa nasirang plantsa. Nairita ang kanilang Madame sa sinabi ng magkapatid. Inatake ng Madame ang magkapatid. Doon na nagsimulang nakipagbuno at gumanti ang magkapatid. Si Christine ay dali-daling hinablot si Genevieve at dinukot ang mga mata nito. Sa utos ni Christine, ay dinukot din ni Lea ang mga mata ng kanilang Madame. Habang nagkakagulo ay tumakbo papuntang kusina si Christine upang kunin ang kutsilyo at martilyo. May nakuha din silang pitchel na ipinanghampas nila sa ulo ng mag-ina. Sa sobrang galit ng magkapatid, kahit nakahandusay na ang mag-ina ay di pa rin nila ito tinitigilan.

Sa pag-uwi ng kanilang among lalaki ay napansin ni Monsieur Rene na patay ang mga ilaw sa kanilang bahay. Akala nya nung una ay umalis na ang kanyang mag-ina papunta sa okasyon kaya naman dumiretso na siya sa bahay ng kanilang kaibigan. Ngunit wala pala doon ang kanyang pamilya. Dali-dali siyang bumalik ng kanilang bahay. Tumawag siya ng mga police nang makita nyang nakalock mula sa loob ang pinto.

Kasama ng mga pulis ay binuksan nila ang gate at pinto ng bahay. Doon na nga tumambad ang kalunos lunos na sinapit ng mag-ina na halos di na makilala. Sa pag-aakalang ganun din ang nangyari sa kanilang mga maids, ay hinanap nila ang magkapatid. Sa kwarto ng magkapatid ay nakita nila ang dalawa na magkasama sa kama. Sa tabi nila ay ang duguang martilyo na ginamit nila.

Agad namang umamin sa kanilang nagawa ang magkapatid, ngunit ayon sa kanila nagawa lamang nila iyon para idepensa ang kanilang sarili.

Real Life Dirty LinenSa paglilitis ng kaso ay napag-alamang mayroon silang Shared Paranoid disorder. Ito ay kondisyon sa pag-iisip ng dalawang taong malapit sa isa’t-isa kung saan ang delusions ng isang may paranoia ay nakakaimpluwensya sa kanyang kasama. Ganoon ang sitwasyon ni Lea kung saan sunud-sunuran sya sa kanyang kapatid na si Christine.

Sa kabila ng kanilang mental disorder, at sa dami ng ebidensya laban sa magkapatid ay nahatulan sila ng guilty. Si Lea, bilang naipluwensyahan lamang ng kanyang kapatid ay binigyan lamang ng 10 years na sentensya habang si Christine naman ay hinatulan ng pagkamatay sa guillotine. Kalaunan ay napababa ang kanyang sentensya sa habang buhay na pagkabilanggo.

READ NEXT

[mk_blog style=”grid” column=”2″ image_size=”full” post_count=”4″ transparent_border=”true” pagination=”false” orderby=”rand” disable_lazyload=”true” exclude_post_format=”” cat=”6, 7″]

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *