TABLE OF CONTENTS
[/mk_custom_list]
Ang Bulkang Mayon sa probinsya ng Albay ay kilala hindi lamang sa kanyang kahanga-hangang perpektong hugis ngunit pati na rin sa mga misteryong bumabalot dito. Sa article na ito, ating tuklasin ang mga hiwaga at misteryo na bumabalot sa bulkang magayon, ang Bulkang Mayon.
1. Parehong Oras at Petsa ng pagputok ng bulkan
Para sa unang misteryo ng bulkan, paniguradong maging kayo ay magtataka. Pansinin nyo ang pagkakapareho ng mga naitalang pagputok ng bulkan nitong mga nagdaang taon.
- September 23, 2000
Nagkaroon ng major eruption ang bulkang Mayon. Nagsimula ito ng 8:00 ng gabi at tumagal ng ilang araw.
- July 14, 2001
Isang pagputok na naman ang naganap bandang 8:00 ng umaga.
- August 10, 2006
Sa araw na ito, pumutok ang bulkan ng 8:00pm at tumagal ng ilang linggo.
- December 14, 2009
Bandang 8:00am isang malakas na pagputok ang naganap na naging dahilan ng pag-evacuate ng ilang libong residente sa paligid nito
- January 14, 2018
Pumutok ang bulkan bandang 5:00pm. Isa itong major eruption kung saan ilang kilometro ang inabot ng binuga nitong abo. Ilang libong residente din ang nag-evacuate nung araw na iyon.
- June 12, 2023
Bago mag 8:00 ng gabi, pumutok ang bulkan at nagbuga ng lava sa crater nito.
Kung inyong mapapansin halos pare-parehong ika-14 ng buwan pumuputok ang Mayon, at madalas tuwing 8:00 ng umaga o gabi nagsisimula.
Isa itong pangyayari na hindi pa maipaliwanag maging ng mga volcanologists na nag-aaral sa activities ng bulkan. May mga scientific theories na lumilitaw, nguni’t hanggang ngayon ay hindi pa rin ganap na natutukoy ang tunay na rason at misteryo sa likod ng oras at petsa ng pagputok nito.
2. Mysterious Painter
Isa sa mga kilalang misteryo ng Bulkang Mayon ay ang sinasabing pagkontrol dito ng isang makapangyarihang nilalang. Sa dami ng eruptions na pinagdaanan ng Mayon ay nananatiling perpekto ang hugis nito. Isa sa sinasabing dahilan ay ang theory na may isang mahiwagang pintor na nagpapanatili ng mga hugis at linya ng bulkan.
3. Engkanto at Diwata
Isa pang misteryo na bumabalot sa Bulkang Mayon ay ang patuloy na paniniwala ng mga lokal na naninirahan na ito ay tahanan ng mga diwata o mga engkanto. Ayon sa kanilang mga kuwento, ang Bulkang Mayon ay pinoprotektahan at sinasamahan ng mga mahiwagang nilalang na may kapangyarihang kontrolin ang kalikasan. Hanggang ngayon ay may ilan pa ring mga residente ang patuloy na gumagawa ng mga ritwal at pagsamba sa mga diwata ng bulkan. Isa itong patunay ng malalim ang paniniwala ng mga taga-Albay sa mga misteryo at kapangyarihan ng Bulkang Mayon.
Sa paglipas ng mga panahon, maaaring malaman na natin ang kasagutan sa mga misteryo ng Bulkang Mayon. Nguni’t sa ngayon, patuloy nating ingatan at pahalagahan ang ganda ng bulkan o kahit ano mang likas na yaman sa Pilipinas.
Tandaan na ang Mayon Volcano ay hindi lamang isang bulkan. Ito rin ay isang malaking bahagi o simbolo ng kultura at alamat ng mga Pilipino. Sa kabila ng mga misteryo na patuloy na bumabalot sa bulkan, ang kanyang kagandahan ay hindi natin maaaring talikuran.
Resources:
- Wikimedia Commons, Guardian News, WBNS 10TV, Pressmaster, cottonbro studio, Mark Edwin Hedia
Related Topics:
- Dahilan sa pagkakadiskubre sa lumubog na Titanic, sinekreto ng US ng mahigit 23 taon!
- Flat Earth Theory: Napatunayan nilang hindi bilog ang mundo? Mapapaisip ka!
[/mk_blockquote]
No comment yet, add your voice below!