Kim Ung-Yong

Sino nga ba ang pinakamatalino sa buong mundo? Si Albert Einstein ba? Stephen Hawking? Nasa mahabang listahan kaya ng mga popular na inventor at scientists sa history? Hindi nyo ito agad na mahuhulaan, dahil ang may hawak ng World’s Highest IQ ay isang 4 years old lamang. Kilalanin natin ang storya ng buhay nya.

85 -115. Ito ang average IQ ng isang normal na tao. Nasusukat ang IQ sa pamamagitan ng mga tests para maassess ang katalinuhan ng isang tao. Nguni’t alam nyo ba na isang bata mula sa South Korea ang nakapagtala ng mahigit 210 at sinasabing ito raw ay dating kinumpirma bilang World’s Highest IQ ng Guiness World Records.

Si Kim Ung-Yong,  isang South Korean na ipinanganak noong taong 1962. Nagmula sa pamilya ng mga professor kung saan ang kanyang ama ay isang physics professor at ang kanyang ina naman ay medical professor.

Sa edad na 6 months ay nakakapagsalita na at sa edad  na 1 year old ay kaya na nyang magbasa ng Korean Alphabets at 1,000 Chinese Characters.

Bago sya maglimang taong gulang ay kaya na nyang mag-calculus at magsalita ng limang languages, kasama ang  tagalog.

Mas lalong maraming nakapansin sa kanyang katalinuhan nang mag guest siya sa isang TV show sa Japan kung saan ay nagsolve siya ng ibat’-ibang mahihirap na calculus problems.

Simula noon ay naging matunog ang kanyang pangalan sa ibang bansa.

Sa edad na 8 yrs old, ay naimbitahan siya ng NASA para magtrabaho. Pumayag siya at lumipad papuntang Amerika. Bago mag-15 ay sinasabing nakuha nya ang kanyang PhD sa Colorado State University.

Pinagsabay nya ang kanyang pag-aaral at pagttrabaho. Pagkalipas ng sampung taon na pagta-trabaho sa NASA, ay tila ba bumigay na ang kanyang isip at katawan. Nag-quit siya sa kanyang trabaho bilang researcher sa NASA at bumalik sa Korea.

Ayon sa kanya, ay nagttrabaho siya na parang robot sa NASA at wala diumano siyang ginawa doon kundi ang magsolve ng mga equations. At hindi siya naging masaya sa trabahong iyon.

Maaaring napagod si Kim Ung-Yong dahil sa taas ng mga expectations na nakapatong sa kanya sa murang edad. Sa bandang huli, siya ay isang menor de edad lamang.

Sa kanyang pagbabalik sa Korea ay nag desisyon siyang mag-aral muli sa isang panlalawigang unibersidad at nagtapos ng kursong Civil Engineering.

Namuhay siya ng normal na buhay at ngayon ay masaya siyang nakamit ang kanyang pangarap na maging isang University Professor.

Ang kwentong ito ni Kim Ung-Yong ay isang proweba na ang IQ, mataas man o mababa ay hindi matibay na ebidensya upang malaman ang magiging takbo ng ating buhay. Hindi mga numero ang magdidikta sa ikasasaya ng isang tao. Tayo pa rin, sa mga sarili natin ang gagawa ng mga desisyon para sa buhay na nais nating tahakin.

READ NEXT

[mk_blog style=”grid” column=”2″ image_size=”full” post_count=”4″ transparent_border=”true” pagination=”false” orderby=”rand” disable_lazyload=”true” exclude_post_format=”” cat=”7″]

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *