Dyatlov Pass

Dyatlov Pass Incident

Ang Dyatlov Pass incident ay itinuturing na isa sa pinakamisteryosong pangyayari o insidente sa Russia. 61 years na ang nakararaan nang may siyam na Russian hikers ang misteryosong nawala habang nagha-hike sa Ural Mountains. Lahat sila ay natagpuang bangkay na. Ang ilan sa kanila ay natagpuang walang saplot, ang iba ay may matinding fractures sa dibdib na di maipaliwanag, habang ang ibang katawang natagpuan ay walang mga  mata at dila. Ano nga ba ang nangyari sa kanila nung gabing yun?  At ano pang mga detalye sa kasong ito ang di maipaliwanag?

Dyatlov Pass

Ang Misteryosong Pagkamatay ng Siyam na Russian Hikers : Dyatlov Pass Incident

Noong January 1959, isang grupo ng sampung Russian hikers sa pamumuno ni Igor Dyatlov ang nagplano ng 3 weeks na  trip papuntang Ural Mountains.  Si Yuri Yudin, isa sa mga kasama nila ay nagdesisyong hindi sumama dahil sa pagsumpong ng kanyang sciatica, na isang sakit sa nerve mula sa likod hanggang sa dulo ng binti. Dahil dito ay kailangan nyang bumalik at di na tumuloy. Nang mga panahong un ay disappointed siya sa nangyari sa kanya dahil sa hindi na siya makakasama sa mga kaibigan, ngunit ang hindi niya alam, ang kanyang sakit pala, ang magliligtas sa kanya.

Nagpatuloy ang siyam na naiwan sa kanilang planong paghike.

February 1.

Dahil sa mga pabigat na gamit na naiwan ni Yuri Yudin at masamang panahon,  tumigil muna sila sa isang camp base at nag set up ng kanilang mga tents sa padausdos na gilid ng isang bundok.  Sinasabing hindi doon ang tipikal na pinagtatayuan ng iba pang mga experienced hikers  kaya nagtataka ang mga awtoridad kung bakit doon nila naisipang magtayo ng kanilang mga tents.

Naging maayos ang gabi nila noon, base sa mga journals at diaries na dala ng ilan sa kanila na natagpuan sa kanilang campsite, ngunit pagkatapos ng gabing yon, ay di na sila nakarating sa paroroonan nila at d na natapos ang 3 weeks trip na plinano nila. Yun na pala ang huling gabi ng buhay kanilang buhay.

Paglipas ng araw ay nagkaroon na ng malawakang search party para sa grupo. Ngunit nakakagulat ang nakita ng mga awtoridad.

Unang nakita ang kanilang  tent na covered na ng snow ang ilang bahagi,ito ay dahil diumano sa malakas na buhos ng snow nung gabing yon.

Ayon sa unang nakakita ng tent na yon, ay mayroong hiwa sa may likuran ng tent kung saan maaaring ginamit iyon na daanan para makatakas sa kung ano man ang nasa may harap ng tent.

Sunod nilang nakita ay mga bakas ng paa pababa sa bundok. Ngunit ang mga bakas na ito ay marka ng mga paa na walang suot na sapatos o mga nakamedyas lamang.

Sa dulo ng mga bakas ay isang puno na tila ginawang pahingahan ng mga hikers dahil sa may bakas na pinag-sigahan o bonfire. Dito natagpuan ang katawan ni Yuri Doroshenko. May bakas ng pagkasunog sa kanyang ulo at paa, tuyong dugo sa mukha at mga gasgas. Sa di kalayuan ay ang katawan ni Krivonischenko na katulad ng unang katawan ay may mga sunog din sa bahagi ng katawan. Nawawala ang dulo ng kanyang ilong, at bahagi ng kanyang kamay na nakita kinalaunan sa kanyang bibig.

Sa may kabilang direksyon mula sa kanilang tent ay makikita ang katawan ni Igor Dyatlov, ang leader ng grupo na may mga sugat at galos rin sa katawan.

Ang katawan naman ni Kolmogorova ay natagpuang pinakamalapit sa tent na may mga galos at malaking pasa na tila ba mula sa isang malaking bagay na hindi pa malaman.

Hypothermia, o ang sobrang pagbaba ng temperatura ng katawan ang naging sanhi ng pagkamatay ng unang apat na hikers.

Marso na nang mahanap ang katawan ni Slobodin. May suot na isang boot, may basag sa bungo ngunit hindi ito ganoon kaseryoso para maging dahilan ng kanyang pagkamatay. Katulad ng mga nauna, hypothermia din ang kinamatay nya.

Lumipas ang dalawang buwan, bago nakita ang katawan ng 4 na iba pa. Si Kolevatov na natagpuang wala ng mga mata, maaaring dahil na rin sa mga hayop sa bundok. Hypothermia rin ang kanyang cause of death ngunit ang kanyang damit ay natagpuang may bakas ng radioactivity o radiation na hindi pa mapaliwanag kung saan nanggaling at kung paano. Katabi ng kanyang katawan ang bangkay ni Zolotaryov. Namatay naman si Zolotaryov dahil sa kanyang malaking damage o impact sa dibdib. Ganun din si Thibeaux-Brignolle na namatay dahil sa malakas na impact sa kanyang bungo.

Si Dubinina ay ganoon rin. Namatay dahil sa injury na natamo sa kanyang dibdib. Nawawala rin ang kanyang mga mata at dila. May dugo sa kanyang mga damit na di kalaunan ay natagpuan din na may bakas ng radiation.

Iba’t ibang mga theorya at haka haka ang naglabasan sa pagkamatay ng siyam na hikers. May nagsasabing mga espiya ang ilan sa kanila at may nagsasabing maaaring may nakita sila na hindi nila dapat nakita. Maaaring may mga gulag, o mga takas sa mga prison camps sa parteng iyon ng bundok na nakita ng grupo.

Kinumpirma rin ni Yuri Yudin, ang survivor na kung inyong naaalala ay umuwi dahil sa kanyang sakit, na may mga damit na nakita sa camp site na hindi raw pag mamay-ari ng kanyang mga kaibigan. At mga pieces ng mga damit nay un ay kadalasang suot ng mga sundalo noong panahong yon na kalaunan diumano ay naging damit ng mga gulag prisoners. Nakakapagtaka rin, dahil ang mga damit na iyon na natagpuan at magiging ebidensya sana ay biglang nawala. Pero gayunpaman, maaaring hindi raw ito talagang galling sa mga gulag prisoners . Maaaring dala rin ito ng isa nilang kasamahan na si Zolotaryov na isang WWII veteran.

Hindi mawawala ang mga haka haka na mga native na tribo ang nakakita at gumawa ng karumal dumal na pangyayaring ito sa 9 na magkakaibigan. Ngunit wala pa ring matibay na ebidensya na makapagtuturo dito. Wala rin naming mga gamit ang siyam na nawawala mula sa lugar ng pinangyarihan.

May mg naglabasang mga theorya na ang insidenteng ito ay maaaring supernatural o insidente na gawa ng mga bagay o pwersa sa mundo na hindi maipapaliwanag ng science. May nagsasabing dahil sa UFO kaya rin daw mayroon radiation sa damit ng ilan sa mga natagpuang hikers. May mga tao noong panahong yon na nagsasabing may mga nakita silang mga bilog na ilaw sa kalangitan sa may bundok .

May nagsasabing maaring inatake sila ng isang misteryosong nilalang sa bundok.. Sinuportahan ang theoryang ito ng isang imahe na diumano ay nakunan mismo ng camera ni Thibeaux-Brignolles na tila ba isang malaking hugis tao na nakasilip sa kanila.

Sa paglipas ng taon ay iba’t iba ang naging imbestigasyon sa pangyayaring ito. Nitong 2019 lamang ay may nag-reenact ng naging activity ng siyam na hikers sa bundok ng panahong yon, at maaring lahat raw ng sinapit ng mga ito ay dahil mismo sa bundok, lakas ng hangin, lakas ng buhos ng snow at iba pang natural circumstances na nangyari nung gabing iyon na maaaring ikinasawi ng siyam na magkakaibigan.

Nitong 2020 lamang, naglabas ng findings ang mga Russian investigators at sinabing ang mga nangyari sa kanila ay dulot ng avalanche o pagguho ng malaking tipak ng snow o yelo sa itaas na bahagi ng bundok.

Aling theorya ang pinaniniwalaan nyo? Mag iwan ng komento.

READ NEXT

[mk_blog style=”grid” column=”2″ image_size=”full” post_count=”4″ transparent_border=”true” pagination=”false” orderby=”rand” disable_lazyload=”true” cat=”6″]

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *