Maraming sa mga fans ang nadismaya sa pagcancel nya sa mga shows na kabilang sa kanyang Justice World Tour, kaya bilang patunay, ibinahagi nya sa pamamagitan ng pagpost ng video sa instagram na sya ay may pinagdaanan.
Ipinaalam nya sa mga tao at sa mga fans na siya ay nakikipaglaban ngayon sa karamdamang Ramsay Hunt Syndrome.
Ano nga ba ang Ramsay Hunt Syndrome
5 sa kada 100,000 na tao sa US ang nagkakaroon nito.
Isang rare neurological disorder ang Ramsay Hunt Syndrome. Kung saan, nagaganap ito kapag ang varicella-zoster virus ay na-infect ang nerve sa ulo na malapit sa inner ear. Tulad ni Bieber, pwedeng magkaroon ng hearing loss sa bahagi ng apektadong mukha.
Ang Varicella-Zoster virus ay parehong virus na nagdudulot ng chickenpox. At kung ikaw ay nagkaroon ng chicken pox o bulutong tubig nung ikaw ay bata pa, at wala kang bakuna laban sa chicken pox, malaki ang tsansa na may naiwang virus sa iyong katawan. Maaaring magstay ang virus na ito sa ating nerves at maaari itong bumalik sa pagtanda natin pero sa pagbalik nito ay unang tinatamaan ang facial nerves na nagiging sanhi ng Ramsay Hunt Syndrome.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang:
- pagddry ng mata
- vertigo
- rashes sa bandang tenga
- paralysis isang parte ng mukha
- pagsusuka
- madalas na pag-ugong ng tenga o tinnitus
Sa 100% na mayroon nito, higit sa 90% ay gumagaling sa loob ng ilang buwan o minsan ay inaabot pa ng taon, pero 10% ay maaaring mauwi sa seryosong kaso kung saan ay tuluyang nabibingi ang taong mayroon nito.
Ang sakit na ito ay nahahawig sa sakit na Bell’s Palsy kung saan ay bahagi din ng mukha ang unang naaapektuhan. Napa-paralyzed din o humihina ang muscles sa isang bahagi ng mukha.
Hindi din matukoy ang pinakaugat ng sakit na Bell’s Palsy ngunit sinasabing medyo konektado ang Bell’s Palsy sa parehong virus na nagdudulot ng Ramsay Hunt Syndrome.
Isa sa pinagkaiba nila ay ang sintomas na mararamdaman ng mayroon nito. Sa Ramsay Hunt Syndrome ay may rashes sa may bahagi ng tenga – maaaring sa loob o sa labas, habang sa Bell’s Palsy naman ay wala.
Ang paggamot dito ay katulad din sa Bell’s Palsy, anti-viral medicines din ang kailangan katulad ng acyclovir, prednisone, famciclovir, at valacyclovir. Kailangan din ng eyedrops dahil nagddry ang mata at kailangan din ng ilang facial exercises.
At ayan nga ang ilang sa mga dapat na pagdaanan ni Bieber upang tuluyang gumaling sa sakit na ito. Sa pag-live ni Bieber at pag share ng mga kaunting impormasyon tungkol sa kakaibang sakit na ito, sana ay magbukas ito ng interes sa mga taong may kakayanang tumulong para sa mga taong mayroon nito.
Sana din ay mas maging bukas ang mga tao sa pagpapabakuna. Katulad nito, na mula sa parehong virus na nagdudulot ng chicken pox. Isang virus na kayang-kayang maiwasan sa pagpapabakuna. Wag matakot sa bakuna dahil ang mga ito ay ginawa para maging proteksyon natin laban sa mga sakit na katulad nito.
No comment yet, add your voice below!