TABLE OF CONTENTS
- Paano nagsimula ang Mayonnaise
- Bakit sinulat ang Jopay
- Unang Pagkikita ni Jopay at Monty
- Jopay song release date
- Kakaibang connection
- Video
[/mk_custom_list]
Paano nagsimula ang Mayonnaise
Ang Mayonnaise band ay unang nakilala nang manalo sila sa Red Horse Muziklaban noong 2004. Sa parehong taon, ay nairelease din ng bandang Mayonnaise ang kanilang 1st single na Jopay sa kanilang first album under Sony Music Philippines. Nakakapagtaka nga at pagkalipas ng mahigit 19 years ay sumisikat at gumagawa ulit ng ingay ang kantang ito.
Kamakailan lang ay may nag-trending na video ng isang lalaki na sabihin na nating hirap na hirap sa paghabol ng lyrics, pero talagang matatawa ka na lang sa kakaibang way ng pagkanta nya ng sikat na kanta.
Sa mga di nakakaalam at nagtatanong, bakit nga ba Jopay ang title ng kanta? Sino sya at bakit nabuo ang kantang ito para sa kanya.
Bakit sinulat ang Jopay? Ano ang meaning ng lyrics ng kanta?
Ang vocalist ng bandang Mayonnaise na si Monty Macalino ang syang nakaisip at nagsulat ng kanta, matapos nya mapanood sa tv na umiiyak ang sexbomb dancer na si Jopay Paguia-Zamora. Napaisip sya kung bakit umiiyak ang dancer sa tv.
Kaya siguro ang pinakaunang linya ng kanta ay “Jopay, kamusta ka na?” Na nangangamusta kung ok ba ang dalaga. Hindi man nya personal na kilala ang dancer ay parang nakaramdam sya ng lungkot sa pag-iyak ng dalaga nung araw na iyon. Tinapos ni Monty ang pagbuo ng lyrics at paglapat ng chords sa kantang Jopay.
Unang pagkikita nina Jopay at Monty
Ayon kay Monty, isinulat nya ang kanta na para bang mayroon silang connection ng dancer kahit di sila personal na magkakilala.
Matapos nyang masulat ang kanta, ay madalas na rin syang pumupunta para manood ng live sa noontime show na Eat Bulaga kung saan laging sumasayaw si Jopay bilang isa sa mga member ng Sexbomb dance group.
Sa mga panahong iyon ay nagkaroon si Monty ng pagkakataon na maibigay ng personal ang first demo copy ng kanta kay Jopay.
Jopay Song Release
Ang kanta ay isinulat lamang ni Monty para sa kanyang sarili at hindi talaga nya ito balak ilabas sa publiko bilang isa sa mga single ng kanyang bandang Mayonnaise. Kahit na ganoon, ay sinasama nila sa mga performances nila ang kanta.
Laking gulat ng banda sa lakas ng acceptance ng mga fans nila sa tuwing pineperform nila ang kantang Jopay. Kaya naman, naisipan na din nilang isama na ito sa kanilang album. Doon na nga nagsimulang mag hit ang kanta.
2005 nang mairelease nila ang kanilang music video kung saan dapat kasama nila si Jopay. Ngunit dahil sa sobrang busy at hectic ng schedule ng Sexbomb dancers ng mga panahong iyon, ay isinama pa din nila sa video ang silhouette ng dancer habang sumasayaw.
Kakaibang connection
Makalipas ang ilang taon ay nagkaroon ng pagkakataon na magmeet at makapagbonding ng personal ang Mayonnaise, lalong lalo na si Monty at si Jopay.
Mula sa kantang Jopay ay malayo na nga ang narating ng Mayonnaise. Hindi lang napalawak ng kanta ang connection ng banda sa kanilang mga fans, kundi pati na rin ang connection ng banda kay Jopay. Ito pala ang magiging daan para tuluyang makilala ni Monty ang dating pinapanood sa tv na si Jopay.
Related Topics:
PPOP SB19: Paano Nabuo ang Philippine boy group na SB19?
Bandang Lapis: Paano Sila Nagsimula?[/mk_blockquote]
No comment yet, add your voice below!