Jordan Clarkson
TABLE OF CONTENTS
[mk_custom_list style=”mk-moon-arrow-right-5″ icon_color=”#e8bd00″ align=”left”]

[/mk_custom_list]

Filipino NBA Players

Sa larangan ng basketball, ang NBA ay itinuturing na pinakasikat na basketball league sa buong mundo. Ito ang pinakamataas at pinakakilala na liga, kung saan naglalaro ang mga pinakamahuhusay na basketball players mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa dami ng mga magagaling na basketball players na napasama sa NBA, ay may mga iilang Filipino players din na nabigyan ng pagkakataon na makapaglaro dito. Sila ay nagdala ng karangalan at inspirasyon hindi lamang sa ating bansa, kundi sa buong komunidad ng mga Pinoy sa buong mundo. Narito ang ilan sa mga Filipino basketball players na naglaro sa NBA.

Raymond Townsend

Si Raymond Townsend ay isang Filipino-American na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa larangan ng basketball. Sa kanyang tangkad na 6.2”, napasali sya sa NBA bilang isang point guard para sa Golden State Warriors at Indiana Pacers mula 1978 hanggang 1982. Siya ang unang Pilipino na naglaro sa NBA, at nagpatunay na kahit maliit na bansa tayo, may mga manlalarong Pilipino na may kakayahang makipagsabayan sa pinakamahuhusay sa mundo.

[mk_image src=”https://mindblownph.com/wp-content/uploads/2023/06/raymond-townsend.webp” image_width=”600″ image_height=”800″ align=”center”]

Ricardo Brown

Isa pang pangalan na hindi malilimutan sa NBA ay si Ricardo “The Quick Brown Fox” Brown. Sa tangkad na 6”, siya ay sumali sa NBA noong 1979 bilang bahagi ng Houston Rockets. Bagama’t ang kanyang karera sa NBA ay maikli, naging malaking inspirasyon si Brown sa mga susunod na henerasyon ng manlalarong Pinoy. Pagkatapos ng kanyang NBA stint, nagpatuloy siya sa paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA), kung saan siya ay naging isang matagumpay na manlalaro. May mga articles na nagsasabing si Brown ay may dugong Pinoy. May iba naman na nagsasabing siya ay naging isang naturalized Filipino. Anuman ang kanyang tunay na pinagmulan, malaki ang kanyang naiambag sa Philippine basketball. Maraming beses nyang nai-represent ang Pilipinas sa mga international basketball competitions tulad ng FIBA.

[mk_image src=”https://mindblownph.com/wp-content/uploads/2023/07/ricardo_brown.webp” image_width=”600″ image_height=”600″ align=”center”]

Jordan Clarkson

Sa kasalukuyan, isa sa mga pinakasikat na manlalaro sa NBA na may dugong Pinoy ay si Jordan Clarkson. Ang kanyang ina ay isang Pilipina, kaya’t may malalim siyang koneksyon sa ating kultura at puso bilang isang Pinoy. Sa tangkad nyang 6.4” naglaro sya bilang isang guard para sa Utah Jazz.

Noong 2021, siya ang unang Pilipino na tumanggap ng “Sixth Man of the Year Award” sa NBA. Ang kanyang kahusayan at dedikasyon sa larangan ng basketball ay nagpapatunay na kahit sa malaking liga tulad ng NBA, ang galing ng mga Pilipino ay nananaig.

[mk_image src=”https://mindblownph.com/wp-content/uploads/2023/06/jordan-clarkson.webp” align=”center”]

Conclusion

Sa dami ng mga magagaling na players sa buong mundo ay ilan sila sa mga napili. Hindi dahil sa sinwerte sila, kundi nagpakita sila ng kakaibang galing at talento sa paglalaro ng basketball. Dugo at pawis ang kanilang pinuhunan para makarating sa NBA.

Sana ay maging inspirasyon sila sa libo-libong mga manlalarong Pinoy na patuloy na nangangarap mapabiling sa sikat na basketball league. Patuloy nating ipagmalaki ang ating mga champions, at patuloy na magsilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga manlalaro. Bukod sa bandera ng Pilipinas, dinala nila ang pusong pinoy sa international basketball league. Saludo kami sa inyo! #PinoyPride!

Resources:
Golden Hoops, NBA, ESPN, Kooper G, Ball Coverage, Utah Jazz, PH Sports Bureau, TaongGrasa-Vlog, thecoachdub, San Jose Sports Authority, MaxaMillion711, ItsEmayne7

[mk_blockquote style=”line-style” font_family=”Poppins” font_type=”google”]

Related Topics:

[/mk_blockquote]

READ NEXT

[mk_blog style=”grid” column=”2″ image_size=”full” post_count=”4″ transparent_border=”true” pagination=”false” orderby=”rand” disable_lazyload=”true” cat=”3″ exclude_post_format=””]

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *