Ryan Gosling as Ken: Too old for the 2023 Barbie movie role?

 In Kwentong Viral

Last Updated: July 22, 2023

Ryan Gosling: Ken doll

Ryan Gosling as Ken 2023 Barbie movie

Barbie movie

Ryan Gosling as Ken: Too old for the 2023 Barbie movie role?
Wikimedia Commons

2023 Barbie movie

Si Ryan Gosling  ay kabilang sa cast ng live-action 2023 Barbie movie bilang Ken doll, kasama ang kilalang Suicide Squad actress na si Margot Robbie bilang si Barbie. Ang pagkakapili kay Gosling ay nakatanggap ng magkakaibang reaksyon mula sa mga tagahanga, may ilan na nagpupuri sa pagkakapili sa kanya at may iba namang nagpahayag ng pagkadismaya.

Ryan Gosling as Ken: Too old for the 2023 Barbie movie role?
Wikimedia Commons

Ryan Gosling, too old for the role?

Kilala si Gosling sa kanyang boyish good looks at charm, na siyang nagpapakita na siya’y natural na bagay para sa papel ni Ken. Gayunpaman, may ilang tagahanga na nagpahayag ng pag-aalala na siya ay masyadong matanda na para gumanap bilang Ken, na karaniwang inilalarawan bilang isang binatang masayahin at carefree. Si Gosling ay 42 years old, samantalang ang karaniwang pagkakalarawan sa edad ni Ken ay nasa kanyang mga early 20s.

Sa kabila ng magkakaibang reaksyon tungkol sa pagka-cast sa kanya as Ken Doll, makikita pa rin ang kanyang dedikasyon sa pag-arte at sa kanyang role sa 2023 Barbie movie. Sinabi rin ni Ryan Gosling na super excited na siyang gumanap bilang Ken at naniniwala siya na ang pelikula na kanilang pinaghirapan ay magugustuhan ng mga Barbie fans.

Ryan Gosling as Ken: Too old for the 2023 Barbie movie role?
Wikimedia Commons

“His story must be told”

Mas umigting ang kagustuhan ni Ryan Gosling gumanap bilang Ken nang isang araw ay nakakita sya ng isang Ken doll na nakalubog sa putik. Agad siyang nag-send ng picture nito sa direktor.

Sa isang panayam kay Jimmy Fallon, sinabi ni Ryan Gosling..

“I walk out in the backyard and, do you know where I found Ken? Face down in the mud next to a squished lemon.” Gosling took a photo of the Ken doll and texted it to Gerwig, saying, “I shall be your Ken, for his story must be told.”

Ayon sa ulat, namangha si Gerwig sa enthusiasm at pagiging handang tanggapin ang papel ni Gosling. Sinabi niya..

“I knew Ryan was the perfect Ken the moment I met him. He has the perfect combination of looks, charm, and humor. I can’t wait to see him bring Ken to life on the big screen.”

Ryan Gosling as Ken: Too old for the 2023 Barbie movie role?
Wikimedia Commons

More interesting facts about Ryan Gosling and 2023 Barbie movie

1. Inalok kay Ryan Gosling ang papel ni Ken ng direktor na si Greta Gerwig, na isinulat ang script kasama si Noah Baumbach. Fan si Gerwig ng mga previous movies ni Gosling at sa tingin niya ay perpekto siya para sa papel bilang Ken.

2. Upang ihanda ang kanyang sarili sa role bilang Ken, pinanood ni Gosling ang mga lumang Barbie commercials at pinag-aralan ang character ni Ken doll. Lalong humigpit ang kanyang workout routines upang maging fit with six-pack abs at pinalitan nya din ang kulay ng kanyang buhok ng blonde.

3. Ang pelikula ay sinasabing isang satire sa Barbie brand at sa American Dream.

READ NEXT

Leave a Comment