Milktea Health Benefits

Milk Tea, may benefits nga ba? Hanggang ngayon ay napakaraming pilipino pa rin ang nahihilig sa milk tea dahil bukod sa masarap ito ay napakarami pang flavors na pwedeng pagpilian. Alam nyo ba na ang bubble tea o mas kilala bilang pearl milk tea ay nag exist mula pa nuong dekada 80 sa taiwan. Ilan sa mga sangkap nito ay ang tsaa, gatas, asukal, tapioka pearls, yelo at iba pang pampalasa.

Sa kabila ng kasikatan ng milk tea at pagboom ng mga milk tea businesses dito sa Pilipinas, ay marami pa ring hindi natatakam sa sarap ng milk tea. Marami kasing mga studies or topics online na nagsasabing masama ito sa kalusugan dahil sa sugar content na maaring magdulot ng pag gain ng weight o kaya naman ay maging sanhi ng diabetes.

Ngunit alam nyo ba na may mga health benefits din naman ang paginom ng milktea? Kung bago ito sa inyong pandinig halina at talakayin natin kung ano ano ang health benefits sa atin ang paborito nating milk tea.

💥 Nakakapagpalakas ng katawan at ng immunity

Dahil ito sa gatas na mayaman sa calcium. Nagbibigay ito ng lakas sa ating katawan at nagpapatibay ng ating buto na nakakatulong sa ating daily activities.

💥Nakakapagpaputi at nakakakinis ng balat

Sa mga pinoy dyan na gusto pang pumuti, aba akalain nyong nakakatulong pala ang pag inom ng milk tea sa pagpapaputi ng balat? Ito pa rin ay dahil sa gatas ng main ingredient ng milk tea

💥Nakakabawas ng stress

Isa sa kasiyahan ng tao ang pagkain, nasasatisfy tayo kapag natitikman natin ang mga gusto nating pagkain, isa sa paborito ng karamihan ay ang milk tea na nagbibigay ng satisfaction sa kanila, bukod doon, mayroong caffeine at milk ito kung saan ay nakakapagrefresh at nakaka decrease ng tension kaya naman talagang stress-free ang feeling kapag tayo ay umiinom nito.

💥Anti inflammatory Functions

Ang milk tea ay may mga anti-inflamatory agents or compounds na nag seserve as anti-oxidant. Ang milk tea (lalo kapag walang asukal) ay nakakatulong sa pagbaba ng risk na magkaroon heart issues or cancer.

💥Nakakapagpababa ng timbang

May mga dietary agents din ang milk tea na nakakatulong sa pagpapapayat. May mga components ito na nakakapagpabilis ng metabolism ng katawan.

💥Mood Enhancer

Ang black tea na syang madalas gamitin sa mga milk tea ay may component na I-theanine, na nakakapag paganda ng mood ng isang tao.

💥Maganda para sa kalusugan ng ating puso

Alam nyo ba na kapag tayo ay uminom ng higit sa 3 baso ng tea, maari itong makatulong upang mailayo tayo sa pagkakaron ng sakit sa puso. Lalo pa kapag hinaluan ito ng milk o gatas na alam nating, marami ding health benefits bukod pa sa nagpapatibay ito ng buto

At ayan na nga ang mga health benefits ng pag inom ng milk tea. May mga positive benefits man ito, ay wag pa ring kalimutan ang ating limitasyon sa pagconsume ng milk tea. Tandaan, na lahat ng sobra ay masama.

READ NEXT

[mk_blog style=”grid” column=”2″ image_size=”full” post_count=”4″ transparent_border=”true” pagination=”false” orderby=”rand” disable_lazyload=”true” cat=”3″ exclude_post_format=””]

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *