Flat Earth Theory

Flat Earth Theory

Bilog ang mundo – yan ang paniniwala ng karamihan. Ngunit alam nyo ba na marami pa rin ang naniniwala at itinuturing na ang mundo ay patag o ang tinatawag na Flat Earth Theory ? Isa ka rin ba sa naniniwala rito? Malalaman na natin ang paniniwala ng mga “Flat Earthers”

Noong 2018 nagsagawa ang YouGov (isang internet-based market research firm) ng survey at sa 8,215 na tumugon 84% lamang  ang naniniwang bilog talga ang daigdig at may 2% nagsabing sila ay naniniwala naman na ang mundo ay patag habang ang iba naman ay may pagdududa kung talaga bang bilog ang mundo.

Maraming tao ang naniniwalang ang mundo ay hindi tlga bilog o globo. Sa mga youtube channels at facebook pages na tumatalakay sa mga teyoryang patag ang ating  daigdig mkikita nyo na libo libong tao ang sumusubaybay o ngpafollow sa knilang channels at pages.

Kyrie Irving

Alam nyo ba na ilan sa mga kilalang personalidad ay mga Flat Earthers na naniniwala sa Flat Earth Theory? Kabilang na ang Hip Hop artist na si B.O.B, NBA Athlete Kyrie Irving at Draymond Green, Reality TV Personality Tila Tequila at WWE Wrestler A.J Styles.

Alamin natin ang history ng Flat Earth Model na naging simula ng paniniwalang ito.

Ang Flat Earth Theory ay isang archaic conception o sinaunang paniniwala mula sa mga sinaunang kultura noong mga panahon ng ancient greece to classical period at bronze age to iron age civilizations. Ito ang mga panahon na tinuturing na patag ang kosmograpiya ng mundo.

Sa West Asia ang mga Egyptian, Israelita at Mesopotamian ay inilalarawan na ang earth ay isang disk na lumulutang sa karagatan.

Sa Greece ang mga ancient Greek poets na si Homer at Hesiod, mga ancient Greek philosophers na sina Thales na naisip na ang earth ay lumulutang sa tubing na parang troso, si Anaximenes of Miletus -naniniwala na and daigdig ay patag at lumulutang sa himapapawid katulad ng araw at buwan, at ganun din ang iba pang philosophers na sina Archelaus, at Xenophanes ng Colophon.

Flat Earth TheorySa Europa ang mga sinaunang Norse at mga Germanic people ay tininuturing na ang daigdig ay patag.

Sa East Asia naman ang mga sinaunag Tsina ay naniniwalang ang Earth ay patag at parisukat, habang ang langit ay bilog. Itlog ang ginagawang modelo ng mga Chinese Astronomers tulad ni Zhang Heng upang ilarawan ang langit na spherical. Sinasabing and langit ay tulad ng itlog ng manok, ang daigdig ay tulad ng pula ng itlog at ang lupa ay namamalagi sa gitna.

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga makabago at modernong teknolohiya ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa Flat Earth Theory. Ang mundo diumano ay isang flat disk, na ang land masses ay patag.

Noong 19th at early 20th centuries may isinagawang mga serye ng obserbasyon upang sukatin ang kurba ng Earth at ito ay tinatawag na Bedford Level Experiment.

Si Samuel Birley Rowbotham, isang English inventor ay ang unang ngsagawa ng mga obserbasyon simula noon 1816 hanggang1884.

Ang experimento ni Rowbotham, ay isinagawa nya sa isang mahabang ilog (Old Bedford River). Sa kanyang eksperimento siya ay tumayo sa dulo ng ilog at gamit ang kanyang teleskop inobserbahan nya ang isang banka papalayo sa knya. Sa kanyang ulat sinabi nyang natatanaw pa din nya ang bangka kahit ito ay 6 na milya na ang layo. Ipinabatid nya na kung pakurba daw ang hugis ng mundo dapt hindi na daw nya ito natatanaw., at kahit papalayo pa ito pagkatapos ng 6 na milya ay nkikita o ntatanaw pa din nya ang banka. At ito ang dahilan nang knyang paniniwala na ang mundo ay hindi bilog at sumulat at nagpublished siya ng isang libro tungkol dito “Earth Not a Globe”.

Ano nga ba ang itsura ng Flat Earth na pinapaniwalaan ng Flat Earth Society?

Tinuturing nila na prang Flat disc ang Earth. Sinasabing ang Northpole ay nasa gitna at ang mga yelo na nasa Antartica ay nakapalibot sa gilid ng disk, ang mga ice wall na ito ang humaharang sa tubig ng ating mundo, at kaya daw nagkaron ng 1961 antarctica treaty upang wala makarating sa icewall sa antartica. At kaya daw ito ang simbolo/logo na ginagamit ng UN

Meron din na dome-like barrier na tinatawag na “firmament” na pumapaligid sa disk. Eto ang nagpapanatili na maging intact ang ating atmosphere. Ang mga Flat earthers ay naniniwalang wlaa pang nkakalabas sa barrier na ito.

At paano nila ipapaliwanag ang day/night cycle at ang Seasons o ang pagpapabago ng panahon?

Hindi sila naniniwala na umiikot ang mundo, ang pagbabago bago ng panahon ay dahil sa paglapit at paglayo ng araw sa earth.

Ang mga flat earthers ay hindi naniniwala sa gravity, sa halip naniniwala sila sa Universal Accelaration na ang earth at lahat ng celestial bodies ay patuloy na gumagalaw paitaas

Flat Earth Theory

Ang mga miyembro ng International Flat Earth Society na tinatag noong 1956 ni Samuel Henton, ay naniniwala na totoong patag ang mundo. Tinuturing nilang kasinungalingan ang mga ebidensya tulad ng mga larawan ng mundo na pinapakita na ito ay sphere o bilog na kuha mula sa mga satellite.

Ang una namang nagbigay ng theorya na bilog ang mundo ay si Pythagoras na nagsabing kung ang Moon ay bilog, maaaring ang daigdig ay bilog rin.

Ang pagiging bilog ng mundo ang isa sa mga kaalaman na ibinahagi sa atin ng ating mga magulang at maging mga guro sa paaralan. Nakalathala sa mga libro at sinaliksik ng mga aeronautics agencies kagaya ng NASA.

Kung ang mundo nga ay mapatunayang patag, ang paniniwalang bilog ang mundo, ay maituturing na isa sa pinakamalaking pagkakamali sa kaalaman ng sangkatauhan.

READ NEXT

[mk_blog style=”grid” column=”2″ image_size=”full” post_count=”4″ transparent_border=”true” pagination=”false” orderby=”rand” disable_lazyload=”true” cat=”3″]

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *