TABLE OF CONTENTS
- Cong TV
- Zeinab Harake
- Alex Gonzaga
- Ivana Alawi
- Wish 107.5
- JaMill
- Niana Guerrero
- GMA Public Affairs
- Ranz Kyle
- Raffy Tulfo In Action
- Video
[/mk_custom_list]
Top 10 Filipino Youtube Channels sa Pilipinas, sinu-sino nga ba?
Sa ating kasalukuyang henerasyon, marami sa mga Pilipino ang tutok na tutok sa social media. Mas napagtutuunan ng pansin ng karamihan ang paggamit ng internet o panonood ng videos online.
Patok na patok ngayon, sa henerasyong ito, ang tinatawag na YouTube vlogging, kung saan ay may kanya-kanyang istilo at konteksto ang bawat indibidwal sa kani-kanilang “youtube channels”. Maraming mga Pilipino ang sumusubok maging isang youtube vlogger. Kabilang na rito ang ilang sikat na personalidad at ilang malalaking tv/radio network stations sa Pilipinas. Sinu-sino nga kaya sa kanila ang nagunguna sa larangan ng youtube vlogging at pinakapatok sa mga pinoy ngayon. Alamin natin kung sino sino ang kasama sa listahan ng Top 10 most subscribed Filipino youtube Channels.
#10 – Cong TV
Pang sampu sa listahan ay si Lincoln Velasquez na kilala sa kanyang youtube channel na Cong TV.Mayroon itong 6.36M subscribers. Si Cong ay ipinanganak noong October 27, 1991. Si Cong ay panganay sa 4 na magkakapatid. Ilan sa mga kapatid nya ay kilala na rin sa larangan ng pag you-youtube. Sila ay sina Marlon Velasquez o mas kilala bilang Junie boy, Venice Velasquez at Patpat Velasquez. Si Cong ay isang college graduate at nagtrabaho sa isang kompanya sa loob ng dalawang taon kung saan nakuha ang salitang “power” na pinasikat ni Cong.
Pinasok ni Cong ang youtube noong Pebrero 2008. Habang nagsisimula si Cong, hindi nya iniisip ang perang kikitain dito. Ang mahalaga sa kanya ay masaya sya sa kanyang ginagawa. Nakilala si Cong bilang “The Great Prankster” dahil sa mga prank videos nito. At tinatawag nyang “mga ka-paa” ang kanyang mga taga-subaybay. Isa sa pinaka unang inupload nya sa youtube ang ang parody ng kantang “Rebound” ng Silent Sanctuary na ngayon ay may 964K views. Dahil sa pag vvlog nakabuo siya ng grupo na tinatawag nilang Team Payaman. Isa sa may pinaka malaking views sa channel niya ay ang “The Junnieboy Prank” na ngayon ay may 9.9m views.
#9 – Zeinab Harake
Pang siyam sa listahan ay si Zeinab Harake. Kung matatandaan sumingaw ang pangalan niya nang mag-live broadcast sya sa social media, habang naglalabas ng sama ng loob sa dating kasintahan na myembro ng kilalang grupo ng rappers na X Batallion na si Skusta Clee. Si Zeinab Harake ay pinanganak noong Sept 10, 1998 sa Bacoor, Cavite. Ang kanyang ama ay isang Lebanese at ang kanyang ina naman ay Pilipina.
Nagsimulang pasukin ni Zeinab ang mundo ng Youtube nung July 2019 dahil sa udyok ng kaibigan. Magpahanggang sa ngayon ay marami ang sumusuporta kay Zeinab. Nakabuo rin si Zeinab ng grupo na tinatawag nya naman “Team Zebbies”. Naging malapit din na magkaibigan sina Zeinab Harake, Donalyn Bartolome at Jelai Andres na mas kilala bilang “DOLAINAB”. Nagsimula ang pagkakaibigan ng tatlo ng imbitahan sila ni Donna para sa isang music video.
Naging matagumpay si Zeinab sa pagpasok sa mundo ng pag vvlog. Sa katunayan, ngayon ay mayroon na siyang 7.4M Subscribers. Isa sa may pinaka malaking views nya ang “LAST TO LEAVE THE POOL WINS $10,000 (500,000PHP)”na may 7.2M Views.
#8 – Alex Gonzaga
Pang walo Naman sa listahan ay ang kilalang Artista na si Alex Gonzaga. Nagsimula si Alex sa pagvvlog noong July 2017. Napakalaking bagay ng pagiging artista ni Alex dahil dito mabilis syang umani ng maraming subscribers. Naaaliw sa kanya ang mga manonood dahil sa taglay nitong natural at galing sa pagpapatawa.
Umani ng pinaka maraming views sa kanyang channel ay nang nakipag-collab siya kay Raffy Tulfo sa “Grocery with Idol” na umani ng 13M views. Sa kasalukuyan, ay mayroon syang 8.33M subscribers.
#7 – Ivana Alawi
Pang pito sa listahan ay si Mariam Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi. Ipinanganak si Ivana noong Dec 25, 1996. Si Ivana ay sumali sa isang artista search na “Starstruck” pero hindi siya pinalad na manalo rito. Hindi naging madali kay Ivana ang pagpasok sa pag-aartista. Naging extra siya sa ilang palabas sa GMA Network. Hanggang sa mapansin sya ng marami ng mapasama sa afternoon series ng Abs-Cbn na “Araw Gabi” at mas nakilala pa noong mapasama siya sa isa pang series na “Sino Ang May Sala” bilang isa sa mga main characters. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang kanyang mga projects.
Dala ng kanyang hilig sa pag-arte, pinasok na rin ni Ivana ang mundo ng pag yyoutube. Sino ba naman ang hindi makakakilala at mamamangha sa taglay na karisma ni Ivana. Nagsimulang mag-upload si Ivana ng una niyang video noong August 2019 at ito ay may temang “MY SECRET TO BIGGER BOOBS!”. Isa sa may pinaka-mataas na views ay ang “A day in my life” na mayroong 23M views. Sa kasalukuyan si Ivana ay may 8.45M subscriber na sa Youtube.
#6 – Wish 107.5
Pang-anim ay ang Wish 107.5. Sumikat ito dahil ito ang kauna-unahan at natatanging Radio Station na gumawa ng Mobile Radio Booth, kung saan sila ay nagpupunta sa iba’t-ibang lugar gamit ang bus at nag g-guest din sila ng mga sikat ng singers at banda.
Nagsimula silang mag upload ng mga videos noong August 10, 2014. Isa sa may pinaka-malaking views nito ay ang “One Day” na kinanta ni Bugoy Drilon na umani ng 112.1M views.
#5 – JaMill
Pang lima sa listahan ay ang tambalang nila Camille Trinidad at Jayzam Manabat o mas kilala sa tawag na Ja Mill na may 10.8M. Bago sila pumasok sa mundo ng Youtube, nagsimulang sumikat ang dalawa sa Facebook, dahil sa videong ginawa nila na tinawag nilang “Make Him to Her” Challenge. Nagsimula sila sa pag-youtube noong taong 2017. Nakilala ang dalawa dahil sa prank wars nila. Tinatawag nila ang kanilang mga tagahanga na “mandirigma”.
Sa kabila ng kasikatan hindi rin sila nakaligtas sa batikos. Marami ang bumatikos sa kanila na scripted ang kanilang mga content. Isa sa may pinakamalaking views nila ay ang “I’M PREGNANT BUT YOU’RE NOT THE FATHER REVENGE PRANK!!!” na may 11.6M views.
#4 – Niana Guerrero
Pang-apat sa listahan ay si Niana Guerrero. Nagsimula mag-upload ng video si Niana noong April 2013. Ang unang videong naupload sa kanyang Youtube channel ay ang “Gwiyomi Baby Niana”. Nakilala si Niana Guerrero sa galing nito sa pagsasayaw. 3 taon pa lamang si Niana ay nahilig na ito sa pagsasayaw. Kadalasan, ay kasama niya ang kanyang kapatid na sina Ranz at Natalia. Mas nakilala at nagging viral din sya, nang gumawa sya ng dance cover ng kantang “Despacito”. Sa kasalukuyan meron ng 11.6M subscribers si Niana.
#3 – GMA Public Affairs
Ikatlo sa listahan ang GMA PUBLIC AFFAIRS na kilala sa pagbibigay ng makatotohanang balita. Nagsimula silang mag-upload ng videos noong August 2009. Isa ang GMA Public affairs sa pinaka-pinagkakatiwalaan sa larangan ng pagbabalita kaya ganon na lamang karami ang tumatangkilik rito. Sa kasalukuyan sila ay nakapag upload na ng 26.056 videos para sa kanilang iba’t-ibang programa at documentaries. Isa sa pinakapinanood sa mga ito ay ang “Kapuso Mo, Jessica Soho: Mga batang babae sa Palawan, Maagang Ipinapakasal” na may 4.4M views. Sa kasalukuyan mayroon ng 11.9M subscriber ang GMA Public Affairs
#2 – Ranz Kyle
Pumapangalawa sa pinakamaraming subscriber ay si Ranz Kyle. Siya ay kapatid ng isa sa pinaka-sikat na Youtuber na si Niana Guerero. Katulad ng kapatid na si Niana hilig din ni Ranz Kyle ang pagsasayaw. Nagsimulang pasukin ni Ranz Kyle ang pag-yyoutube noong April 2008. Isa sa pinaka maraming views na inupload niya ay ang “When Shape Of You By Ed Sheeran Comes On” kasama ang kapatid na si Niana, na may 63M views. Sa kasalukuyan ay nakapag-upload na si Ranz Kyle ng 341 videos sa kanyang channel at may 12.7M subscribers.
#1 – Raffy Tulfo in Action
Nangunguna sa listahan ng Top 10 Filipino Youtube Channels ay walang iba kundi ang idol ng bayan, “Mr. Action Man” na si Raffy Tulfo. Si Raffy Tulfo ay isang sikat na Filipino Broadcast Journalist. Kilala si Raffy Tulfo bilang “tagapagtanggol ng mga naapi”. Si Raffy Tulfo ay walang pag-aalinlangan na tumutulong at nagtatangol sa mga nangangailangan. Ang angking katapatan at katapangan ang mga katangiang nagugustuhan ng mga tagahanga niya. April 2016, nang magsimulang mag upload ng videos ang kanyang programa. Araw araw ay inaabangan ng maraming Pilipino ang segment na “Wanted sa Radyo”. Isa sa may pinakamalaking views niya ay nang tulungan niya ang actor na si John Regalo “PART 2 | MADAMDAMING TAGPO NI JOHN REGALA AT RTIA. MAY PANAWAGAN SIYA SA KANYANG ANAK AT MGA AMPON!” na may 10.1M views.
Related Topics:
JOPAY: Bakit sinulat ng Mayonnaise? Sino si Jopay?
Bandang Lapis: Paano Sila Nagsimula?[/mk_blockquote]
No comment yet, add your voice below!