Ang Bandang Lapis ay isang banda mula sa Rizal ang patuloy na sumisikat ngayon sa social media. Maaaring naririnig nyo na din ang kanilang mga kanta lalung-lalo na ang kantang “Kabilang Buhay” na viral na viral ngayon.
Ang Bandang Lapis ay kinabibilangan nila John Lester Abano bilang vocals, Lyn Rey Beltran at Mark Jay Nievas, na kanilang mga guitarista, sa bass naman si Ryan Paul Marangga at sa drums naman si Leanro Rapuno. Meron din silang keyboardist na si Jomari Gabriel Luna at Rapper na si Ivan Arcena Morallos.
Ayon sa kanila, nagsimula lamang ang lahat sa simpleng jamming nila Beltran at Nievas na mahilig magsulat ng kanta. Doon nila naisipang magbuo ng banda. Bandang Lapis ang kanilang ipinangalan sa banda dahil ayon sa kanila, lapis ang kanilang ginagamit sa tuwing nagsusulat ng kanta. Nahirapan din sila sila sa paghahanap ng mga myembro dahil sa dami ng mga musikero sa kanilang lugar sa Rizal, ngunit sa badang huli ay nabuo din nila ang Bandang Lapis.
Sinubukan din nilang sumali sa mga band competitions kung saan nila tinutugtog ang kanilang mga orihinal na kanta. At syempre, sa ganda ng mensahe ng kanilang mga kanta, at tono ng kanilang musika, ay nanalo sila at nag-Champion sa pinakaunang contest na sinalihan nila. Doon na diumano nagsimulang makilala ang kanilang banda.
Isa sa kanilang mga orihinal na composition, ang kantang “Kabilang Buhay”. Ang naging inspirasyon ng kantang ito ay ang pagkamatay ng girlfriend ng isa nilang kaibigan. Ang kaibigang iyon ay siya ring mapapanood nyo na nasa music video ng kanta.
Ang kanta ay nai-release sa kanilang youtube account noong July 2019 pa, ngunit nitong mga nakaraan lamang ay patuloy sa pag-angat ang kantang ito sa mga hit charts katulad ng sa Spotify kung saan ang kanta ay kasalukuyang nasa pang 11 sa Philippines Top 50 charts.
Sa kanilang kasikatang tinatamo ngayon ay nag-sign na rin sila ng record deal sa Viva records.
Abot-langit na nagpapasasalamat ang Bandang Lapis sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila at sa kanilang mga kanta. Dahil dito ay mas naiinspire pa sila na gumawa ng iba pang mga kanta na tatagos sa puso ng masa.
Related Topics:
JOPAY: Bakit sinulat ng Mayonnaise? Sino si Jopay?
PPOP SB19: Paano Nabuo ang Philippine boy group na SB19?[/mk_blockquote]
No comment yet, add your voice below!