Hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ang possibleng maging bakuna sa lumalalang sakit na COVID-19. Maraming bansa ang nag-aaral para sa possibleng maging solusyon sa problema. 168 vaccine candidates ang binabantayan ng World Health Organization (WHO) sa pag-aaral para sa posibleng bakuna sa COVID 19. Walo na sa mga ito ang nasa Phase III na ng Clinical Trials.

Kamakailan lang ay inanunsyo ni President Vladimir Putin ng Russia na aprubado na ang kanilang COVID-19 vaccine na SPUTNIK V. Marami ang nababahala rito dahil hindi pa nito natatapos ang stages of trials. Ang Russia’s Sputnik V vaccine ay pinag-aralan sa Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology. Bukod sa Pilipinas, may iba pa ring mga bansa na sasailalim sa Phase 3 Clinical Trial ng bakuna kontra-COVID-19 mula sa Russia na “Sputnik V”. Kung pasado ang resulta ng pagsusuri, puwede na itong irekomenda sa Food and Drug Administration (FDA) at iturok sa 1,000 Pilipinong kalahok sa trial. Ayon kay Pres. Duterte, siya ang unang magpapabakuna nito sa harap mg publiko para makasiguro.

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *