Titanic Top Secret Mission

Lumubog na Titanic: Isang Top Secret Discovery

Noong ika-15 ng Abril, 1912, naganap ang isang trahedya at lumubog ang barkong Titanic, kung saan mahigit sa 1,500 katao ang nawala. Maraming dekada ang lumipas bago ito natagpuan sa ilalim ng Atlantic Ocean ngunit isinapubliko lamang ang dahilan ng pagkakatuklas dito noong taong 2008. Ano ang dahilan at bakit ito isinekreto ng Amerika?

Titanic Top Secret Mission

Gaano kalaki ang Titanic?

Ang Titanic ay isa sa pinakamalaking barko ng kanyang panahon. May kabuuang haba itong 882.5 ft (268 m), may lapad na 92.5 ft (28 m). Ang kapal ng pader ng barko ay umaabot naman ng 8 ft (2.4 metro). Kung ating susukatin at ikukumpara, maaaring magkasya ang 9 na basketball court na magkakahilera sa loob ng Titanic.

Saan natagpuan ang Titanic shipwreck?

Ang Titanic shipwreck ay natagpuan sa hilaga ng Atlantic Ocean, malapit sa Newfoundland, Canada. Ang exact location nito ay tinatawag na “Titanic Canyon” o “North Atlantic Ocean Floor,” na nasa 380 miles (610 kilometro) sa southeast ng Newfoundland.

Ang labi ng Titanic ay matatagpuan sa lalim na humigit-kumulang na 12,500ft (3,800m) below sea level. Ito ay napakalayo at napakalalim, kung kaya isang malaking hamon ang makakuha ng mga larawan at impormasyon sa Titanic shipwreck.

Ang Kwento sa Pagkakatuklas ng lumubog na Titanic

Noong kasagsagan ng Cold War, kapansin-pansin ang tension at kompetisyon sa kung sinong bansa ba ang may mas advanced na technology – kung Estados Unidos ba o Soviet Union. Mula sa pasiklaban ng mga space explorations hanggang sa mga underwater submarine explorations.

Noong mga taong 1980 hanggang 1990, naging sentro ng interes ng US ang napapabalitang mga submarines mula sa Soviet Union na posibleng nasa ilalim ng kanilang teritoryong karagatan. Sa mga pagsisikap na matuklasan ang mga ito, gumamit ang mga awtoridad ng Estados Unidos ng mga pinakabagong technology sa sonar at underwater explorations.

Nagbuo ng top-secret underwater explorations ang US sa pamumuno ni Dr. Robert Ballard, isang oceanographer at underwater explorer. Noong taong 1985, kasama ang kanyang ekspedisyon, hinanap nila ang mga sinasabing lumubog na USSR nuclear submarines. Sa di inaasahang pagkakataon, nagawa ni Ballard na matuklasan ang labi ng lumubog na barko ng RMS Titanic.

Bakit lumubog ang titanic
Copyright: Joseph Mischyshyn

Sa tulong ng isang remotely operated underwater vehicle (ROV) na tinatawag na “Argo”, nakapagtala si Ballard ng mga high quality images at videos ng labi ng Titanic na natagpuan sa ilalim ng North Atlantic. Ang pagtuklas na ito ay nagbigay ng malaking kasagutan sa matagal nang misteryo ng kung nasaan at kung paano ang hitsura ng barko matapos itong lumubog.

Matapos ang pagkakadiskubre sa barko, maraming underwater research ang ginawa upang mapatunayan at makasigurona ito nga ang matagal nang hinahanap na Titanic, napag-alaman na ang mismong pangalan ng nasabing istruktura sa ilalim ng karagatan ay RMS Titanic.

Dahil sa isang top secret ang underwater operations hindi agad na ibinahagi ng mga awtoridad ang impormasyon sa publiko. Ang dahilan ng pagkatuklas sa Titanic ay nananatiling isang sekreto ng Cold War hanggang sa ibunyag ito ng isang dating miyembro ng cold war operation noong 2008.

Ang lumubog na Titanic ay kahanga-hangang halimbawa ng kung paano nagamit ang mga technology at mga pagsisikap ng cold war era upang matuklasan ang mga nawawalang bagay sa ilalim ng karagatan. Bagaman ang cold war ay nagdulot ng tensyon at alitan, hindi maikakaila na ang technology at mga pamamaraan na naitatag ay naging mahalaga rin sa mga pagsasaliksik at pagtuklas sa kasaysayan ng daigdig.

WATCH VIDEO HERE

Video clip Resources:
OceanGate Expeditions
The Telegraph
National Geographic
DeepSeaOddities
UniversityofRI
falmouthvideos

READ NEXT

[mk_blog style=”grid” column=”2″ image_size=”full” post_count=”4″ transparent_border=”true” pagination=”false” orderby=”rand” disable_lazyload=”true” cat=”3″]

Recommended Posts

No comment yet, add your voice below!


Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *